Modesto de Castro - Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza
Здесь есть возможность читать онлайн «Modesto de Castro - Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza» — ознакомительный отрывок электронной книги совершенно бесплатно, а после прочтения отрывка купить полную версию. В некоторых случаях можно слушать аудио, скачать через торрент в формате fb2 и присутствует краткое содержание. Жанр: foreign_prose, foreign_religion, Философия, foreign_psychology, foreign_antique, . Описание произведения, (предисловие) а так же отзывы посетителей доступны на портале библиотеки ЛибКат.
- Название:Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza
- Автор:
- Жанр:
- Год:неизвестен
- ISBN:нет данных
- Рейтинг книги:4 / 5. Голосов: 1
-
Избранное:Добавить в избранное
- Отзывы:
-
Ваша оценка:
- 80
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza: краткое содержание, описание и аннотация
Предлагаем к чтению аннотацию, описание, краткое содержание или предисловие (зависит от того, что написал сам автор книги «Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza»). Если вы не нашли необходимую информацию о книге — напишите в комментариях, мы постараемся отыскать её.
Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza — читать онлайн ознакомительный отрывок
Ниже представлен текст книги, разбитый по страницам. Система сохранения места последней прочитанной страницы, позволяет с удобством читать онлайн бесплатно книгу «Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza», без необходимости каждый раз заново искать на чём Вы остановились. Поставьте закладку, и сможете в любой момент перейти на страницу, на которой закончили чтение.
Интервал:
Закладка:
Bago sumulat, ay isipin muna; at nang di tayo macapagbigay poot; lilinauan, at nang di i-ucol sa masama.
Cun maraming bagay ang sasabihin, ay pagbucdin-bucdin, at di dapat na pagpisanin sa isang pitac: at sa pinacadaquila ó mahalagang bagay ucol na simulán.
Ang letrang diquit-diguit na nacaguguló, ang dalauang uica na di paghiualayin, ang n~galan nang tauo, ciudad ó bayan na di punoan nang muyúscula ó letrang malaqui, ay pan~git sa isang lalaqui at capintasan sa isang babaye; gayon ang alin mang mali na laban sa regla nang arte.
Ang pagticlop nang sulat, ang paglalagay nang oblea ay pagbubutihin, at nang mahusay tingnan.
Ang lacre, ay na-aari rin namang ipagsará, n~guni madaling masira; ang obleang mabuting gamitin ay ang maliliit at maquiquintab.
Ang ticlop nang sulat ay matouid ang sa man~ga camahalan, na ang bansag ay de etiqueta at negocio, apat ang ticlop; sa itaas, sa ibabá, sa caliua,t, sa canan; at sa man~ga babayeng mahal at masisilang ay maquitid at maliit, gayon din ang manga billete.
Cun ang sinusulatan ay papel de esquelas , ang fecha ay ibaba nang firma, at dacong caliuá.
Ang cumatcat nang letra sa sulat, ay nacarurumi sa papel at nagbabansag nang di carunun~gan.
Salamat Feliza, at ang man~ga sulat ni Honesto na ipinaquita mo sa aquin, ay malilinis, at alinsunod sa reglas nang arte.
Gayon man, tingnan nang capatid nating bunso ang regla sapagsulat na ipadadala co.
Cay ama at cay ina, humahalic aco sa camay. In~gatan cayo nang Pan~ginoong Dios.—URBANA.
REGLA SA PAGSULAT
MANILA....
FELIZA: Alinsunod sa sinabi co sa iyo na aco,i, magpapadala nang reglas sa pagsulat, ipababasa mo cay Honesto itong m~ga casunod.
Pupunuan nang mayusculas ang m~ga pan~galan at apellido nang tauo, caparis nang Francisco Baltazar ; ang sa mga caharian, Ciudad, bayan, provincia, bundoc, dagat, ilog, batis para nang España Maynila, Biñang, Batangas, Arayat, Océano, Pasig, Bumbun~gan ; gayon din ang n~galan nang carunun~gan, para nang Teología , nang Artes , para nang Gramática, Poecia ; gayon din ang n~galan nang manga catungculan, para nang General, Papa, Arzobispo .
Gayon man cun sa Oración ó isang sabing boó ang man~ga n~galan nang carunun~gan, artes, at iba pang sinabi co, ay di pinacapan~gulo, ay pupunuan nang letrang munti, caparis niton halimbauang casunod; si Benito at si Mariano ay capoua nagaral sa pandayan.
Feliza, turuan si Honesto nang matutong maglagay sa sulat nang man~ga notas ó tanda. Ang man~ga notas ay ito: Coma (,): Punto y coma (;): Dos puntos (:): Admiracion (!); Interrogacion (?): Paréntesis (): Puntos suspensivos (::::): Etcétera ó Etcétera (&c.): Acentos (áàâ): Rayas ó comillas —».
Ang Coma , ay ilalagay sa man~ga pag-itan nang man~ga pan~galan: Vito, Teodoro, Pedro ; gayon din sa pag-itan nang baua,t, isang Oración, cun di pa tapos, ang cahulugan nang ibig saysayin; para nitong halimbauang casunod; si Eva,i, tinocso nang demonio, ay nagcasala sa Dios, at si Eva naman ang humicayat cay Adan.
Ang Punto ay ilalagay sa catapusan nang Oración ; cun dito,i, nabobuo, ang cahulugan nang ibig nating sabihin sa papel.
Ang Punto y Coma , ay tanda nang pagcacaiba ó pagcacalaban nang cahulugan nang magcacasunod na sabi ó Oración , caya sa pag itan ilalagay itong man~ga uicang datapuoa, n~guni, gayon man , Tingnan itong halimbaua: ang tauo,i, binig-yan nang Dios nang bait at loob; n~guni,t, sumuay sa caniyang man~ga utos .
Ang dalauang Punto , ay inilalagay, at nang maalaman na hindi pa tapos ang ating ibig sabihin ay ga uari tapos na; inilalagay, at ang cahulugan ay may cahulugan pa. Tingnan itong halimbaua: ang man~ga cahatulán nang Santo Evangelio , ay Santo; at laban sa cahatulan nang mundo.
Ang Paréntesis , ay inilalagay sa puno at dulo n~g Oración , na nagpapalinao nang sabi; n~guni,t, cun alisin man ay di nacasisira nang cahulugan. Tingnan itong halimbaua: cun icao ay magcasala (houag din nauang itulot nang Dios,) ang gamot, ay ang magsisi .
Ang Interrogación , ay parang S na baligtad, at sa ulo,i, may punto; inilalagay sa isang tanong. Tingnan itong halimbaua: ¿ Icao ay cristiano na ?
Ang Admiración , isang tanda na nagpapaaninao nang tunog na ibig nating ibigay sa pagtataca ó daing; ang tanda, ay isang guhit na patindig, sa ulo ay may punto; caparis nitong halimbaua: ¡ Ay at aco,i, napahamac ¡Laquing caululán nang tauong nan~gan~gahas magcasala ! Ang Puntos suspensivos , ay inilalagay, at ang cahulugan, ay ang cahatulang guinagamit natin, ay di sarili, cun di sa iba: quinucuha ang cailan~gan at iniiuan ang hindi. Inilalagay rin naman sa pinuputol na sabi, at di itinutuloy caparis nito; dan~gang pinanonood tayo nang Dios ay :::
Ang uicang Etcétera , na ang tanda ay ito &c. ang cahulugan, ay ang ating sinaysay, ay sucat na, iniiuan ang iba, at nang di macasamá.
Ang Acentos , ay man~ga guhit na para nito áàâ na cung ilagay sa ibabao nang vocal, humahaba, ó diyan binibigatan ang bigcas nang sabi. Tingnan dito sa dalauang uica: Hába, Habá .
Ang man~ga Comillas ó Rayas , ay nagsasaysay na ang lahat na talata na may lagay sa guilid, ay sipi sa iba; guinagamit, at pangtibay sa ipinahahayag sa atin.
Ang Guion , ay nalisan co. Ito,i, isang guhit na pahigá, na inilalagay sa dulo nang talata. Cun ang isang uica,i, hindi magcasiya sa talata, ay binabahagui sa dalauang magcasunód. Ang sang bahagui ay sa itaas, ang isa,i, sa casunód, at sa pag-itan nang uica, ay may Guion , ó guhit, para nito: May-nila, Mali-bay .
Ang Punto naman, ay naquiquilala sa tandang ito [.] Inilalagay, cun buo,t, tapos na ang caisipan natin, na ibig nating isaysay sa isang, oración, at ang casunod pinupunuan nang letra Mayúscula .
Cun mangyayari disin, ay dapat pagsaquitan n~g man~ga maestros at maestras na ang man~ga batang escuela, ay matutong bumasa nang sulat; at sumulat, bucod sa ibang bagay na dapat ituro. Hindi ang maca yari lamang nang letra, cun di maca sulat nang tapát. Ang sulat na lihis sa reglas, ay bucod sa nacaiinip basahin, ay nacasisira nang cahulugan, at nagsasabi ang di caalamang sumulat.
Ituro mong magaling, Feliza, cay Honesto itong man~ga reglas na aquing padala sa iyo, at marahil ay hindi lamang siya ang maquiquinabang. Isulat mo sa aquin cun caniyang sinusunod. Adios capatid co.—URBANA.
TAPAT NA CASIPAGAN
PAOMBONG....
URBANA: Tinangáp co ang man~ga sulat mo aco,i, napapasalamat sa iyo at cami ni Honesto ay pinagsasaquitan mong matuto.
Aquing iniutos sa caniya na pagaralan itong man~ga reglas na padala mo; tinangap nang boong toua at nagsaquit magaral. Sa caniyang pagpipilit ay natuto; at ang uica mo na di lamang siya ang maquiquinabang ay pinatutuhanan. Nang matutuhan na, ay itinuturo naman sa iba; at palibhasa,i, ang magaling ay hindi matahimic sa isa cun di sa calahatan. N~gayon ang man~ga escuela,i, nagcacahayahan, nagpapaquitaan nang cani-canilang sulat at cun may mabating mali nang capoua bata, ay binabago ang sulat. Ang sulat cong ito ay letra ni Honesto. Adios Urbana.—FELIZA.
SA CATUNGCULAN SA BAYAN
Si Urbana cay Feliza .—MANILA …
FELIZA: Si Honesto,i, cun macatapos na nang pag-aaral matutong bumasa nang sulat, sumulat, cuenta at dumating ang capanahunang lumagay sa estado, ay di malayo ang siya,i, gauing puno sa bayan, caya minatapat co sa loob na isulat sa iyo ang caniyang aasalin, cun siya,i, magca catungculan, at ang sulat na ito,i, in~gatan mo at nang may pagcaaninauan cun maguing cailan~gan. Ang m~ga camahalan sa bayan, ang cahalimbaua,i, corona na di ipinagcacaloob cun di sa may carapatan, caya di dapat pagpilitang camtan cun di tanguihan, cun inaacala na di niya icamamahal, sa macatouid, cun di mapapurihan ang camahalan. Ang corona, camahalan at caran~galan, ang dapat humanap nang ulo na puputungan, at di ang ulo ang dapat humanap nang coronang ipuputong. Ang caran~galan, sa caraniuan, ay may calangcap na mabigat na catungculan, caya bago pahicayat ang loob nang tauo sa pagnanasa nang caran~galan, ay ilin~gap muna ang mata sa catungculan, at pagtimbangtim, ban~gin cun macacayanang pasanin. Pagaacalain ang sariling carunun~gan, cabaitan at lacas, itimbang sa cabigatan nang catun~gculan, at cung ang lahat nang ito,i, magcatimbang-timbang, saca pahinuhod ang loob sa pagtangap nang catungculan, n~guni hindi rin dapat pagnasaan at pagpilitang camtán, cun di ang tangapin, cun pagcaisahan n~g bayan, at maguing calooban nang Dios.
Читать дальшеИнтервал:
Закладка:
Похожие книги на «Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza»
Представляем Вашему вниманию похожие книги на «Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza» списком для выбора. Мы отобрали схожую по названию и смыслу литературу в надежде предоставить читателям больше вариантов отыскать новые, интересные, ещё непрочитанные произведения.
Обсуждение, отзывы о книге «Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza» и просто собственные мнения читателей. Оставьте ваши комментарии, напишите, что Вы думаете о произведении, его смысле или главных героях. Укажите что конкретно понравилось, а что нет, и почему Вы так считаете.