Morgan Rice - Ikot

Здесь есть возможность читать онлайн «Morgan Rice - Ikot» — ознакомительный отрывок электронной книги совершенно бесплатно, а после прочтения отрывка купить полную версию. В некоторых случаях можно слушать аудио, скачать через торрент в формате fb2 и присутствует краткое содержание. Жанр: unrecognised, . Описание произведения, (предисловие) а так же отзывы посетителей доступны на портале библиотеки ЛибКат.

  • Название:
    Ikot
  • Автор:
  • Жанр:
  • Год:
    неизвестен
  • ISBN:
    нет данных
  • Рейтинг книги:
    4 / 5. Голосов: 1
  • Избранное:
    Добавить в избранное
  • Отзывы:
  • Ваша оценка:
    • 80
    • 1
    • 2
    • 3
    • 4
    • 5

Ikot: краткое содержание, описание и аннотация

Предлагаем к чтению аннотацию, описание, краткое содержание или предисловие (зависит от того, что написал сам автор книги «Ikot»). Если вы не нашли необходимую информацию о книге — напишите в комментариях, мы постараемся отыскать её.

Ang Ikot ay ang libro na pantapat sa Takipsilim at Mga Tala ng Bampira at manghihikayat sa lahat na basahin ito hanggang sa katapusan! Kung kayo ay mahilig sa paglalakbay, pagibig at bampira, ang librong ito ay para sa iyo! Vampirebooksite. comAng Pinakamabentang Libro! Ang Ikot ay ang unang libro sa mabentang serye na Talaarawan ng Bampira, na may labing isang libro. (At dumadami pa) Sa Ikot (Unang libro sa Talaarawan ng Bampira), nakita ng labing walong taong gulang na si Caitlin Paine ang kanyang sarili mula sa maayos na pamumuhay sa probinsya at napilitang pumasok sa mapanganib na paaralan sa New York dahil sa kanyang ina. Ang natitirang liwanag sa paligid niya ay si Jonah, isang bagong kaklase na agad nagkagusto sa kanya. Ngunit bago pa man umusbong ang kanilang romansa, biglang may nangyaring pagbabago kay Caitlin. Bigla siyang nagkaroon ng kakaibang lakas, pagkasilaw sa liwanag, ang pagnanais na kumain-pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Naghanap siya ng mga kasagutan sa kanyang mga tanong, at ang kanyang pagkagutom ay ang nagdala sa kanya sa maling lugar, sa maling pagkakataon. Nabuksan ang kanyang mata sa isang natatagong mundo, sa ilalim ng kanyang mga paa, pumapailalim sa kalupaan ng New York. Natagpuan niya ang sarili sa pagitan ng mapanganib na kasunduan, sa gitna ng digmaan ng mga bampira. Sa pagkakataon na ito nakilaal ni Caitlin si Caleb, isang misteryoso at makapangyarihang bampira na magliligtas sa kanya sa madilim na pwersa. Kailangan niya ang tulong ni Caitlin upang hanapin ang isang mahalagang kagamitan. Kailangan din ni Caitlin ang tulong nito upang masagot ang kanyang mga katanungan at upang maprotektahan siya. Magkasama nilang hahanapin ang sagot sa isang tanong: sino ang kanyang tunay na ama? Ngunit naipit si Caitlin sa pagitan ng dalawang lalaki nang isang kakaibang bagay ang lumitaw sa kanila, isang pinagbabawal na pagibig. Isang pagmamahalan sa pagitan ng dalawang angkan na magdudulot ng panganib sa kanilang buhay, at pipilit sa kanila na magdesisyon kung isasakripisyo nila ang lahat para sa isat isa. Ang Ikot ay isang kwento na para sa mga kabataan. Magaling ang ginawa ni Morgan Rice sa pagbibigay ng kakaibang galaw ng kwento sa isang tipikal na istorya ng bampira. Bago at naiiba. Ang Ikot ay may klasikong elemento na makikita sa madaming istorya ng kababalaghan para sa kabataan. Ang Talaarawan ng Bampira ay nakasentro sa iisang babae.. isang kakaibang babae! . Ang Iko ay madaling basahin ngunit mabilis ang kwento. Maimumungkahi para sa lahat na naghahanap ng mga madaling basahin na may kababalaghan at romansa. Kailangan ng patnubay ng magulang! Romance ReviewsNakuha ng Ikot ang aking atensyon sa umpisa pa lamang at hindi ko na pinakawalan. Ang kwentong ito ay punong puno ng aksyon at mabilis ang ikot ng kwento. Walang nakababagot na parte. Mahusay ang pagkalasulat ni Morgan Rice na dalhin ang mga mambabasa sa kwento. Nagawa rin niyang umugnay ang bawat isa kay Caitlin sa paghahanap nito sa katotohanan. Aabangan ko ang pangalawang libro sa serye na ito. Paranormal Romance Guild

Ikot — читать онлайн ознакомительный отрывок

Ниже представлен текст книги, разбитый по страницам. Система сохранения места последней прочитанной страницы, позволяет с удобством читать онлайн бесплатно книгу «Ikot», без необходимости каждый раз заново искать на чём Вы остановились. Поставьте закладку, и сможете в любой момент перейти на страницу, на которой закончили чтение.

Тёмная тема
Сбросить

Интервал:

Закладка:

Сделать

Sa oras ding iyon ay may dumaan na isang magandang Hispanic na babae. Maganda siya manamit. Napatitig si Caitlin sa kanya at nag-akalang siya ang babaeng iyon.

Lumiko siya sa kalye ng 134th. Biglang hindi niya alam kung saan siya pupunta. Hindi niya maalala kung nasaan ang apartment niya. Napatigil siya at nagulumihanan.

"Hey kaibigan!"

Napatingin siya at kanyang napagtanto na siya ay nasa harap ng isang maduming bodega. Apat na lalaki, na wari ay hindi alintana ang lamig, ang nakatingin sa kanya na para bang siya ang susunod nilang pagkain.

"Miss halika dito!" sigaw ng isa pa.

Kalye ng 132nd. Bigla niyang naalala at dali-dali siyang umalis patungo sa kanyang apartment. Ilang beses siyang lumilingon sakaling sinusundan siya ng mga lalaking iyon. Buti na lang at hindi.

Ramdam na naman niya ang matinding lamig sa kanyang pisngi. Unti-unti niyang napagtatanto ang lugar kung saan siya titira. Pinagmasdan niya ang kanyang paligid na puno ng mga kotseng inabandona, bandalismo at rehas sa bintana. Bigla niyang naramdaman ang pag-iisa at sobrang takot.

Tatlong bloke na lamang ang kailangan niyang lakarin papunta sa apartment pero pakiramdam niya ang tagal na niyang naglalakad. Inaasam asam niya na sana ay mayroon siyang kaibigan sa kaniyang tabi - mas maganda kung si Jonah - at bigla siyang nagtaka kung kakayanin niyang maglakad ng ganoon araw-araw. Naalala na naman niya ang kanyang galit sa kaniyang ina. Kung bakit lagi siyang nililipat lipat nito at sa mga lugar na hindi niya gusto. Kailan ba ito titigil?

Basag na salamin.

Bumilis ang tibok ng puso ni Caitlin. May nakita siyang kaguluhan sa may bandang kaliwa. Nagmadali siyang maglakad at umiwas ng tingin. Ngunit habang papalit siya ay naririnig niya ang kanilang mga sigaw at nakakikilabot na halakhak kaya't hindi niya mapigilang mapatingin sa kanilang ginagawa.

Apat na malalaking kabataang lalaki - baka mga nasa 18 o 19 - ang pinagtutulungan ang isa pang kabataang lalaki. Dalawa sa kanila ay hawak ang kaniyang mga braso, ang pangatlo ay sinuntok siya sa sikmura habang ang pang-apat ay sinuntok siya sa mukha. Ang pinagtutulungang bata ay posibleng 17 ang edad, matangkad, payat, walang kalaban laban at natumba sa lupa. Dalawa sa mga lalaki ay sinipa siya sa mukha.

Kahit natatakot si Caitlin, hindi niya mapigilang mapatitig sa nangyayari. Nagalala siyang baka mapatay nila ang lalaking iyon.

"Hindi!" sigaw ni Caitlin.

May narinig siyang tunog na parang may nabali habang sumipa sila. Tunog nang nabaling kahoy. Hanggang sa nakita niya na winawasak nila ang isang byola. Nakita niya kung paanong ito ay nagkapira-piraso.

Napatakip siya sa kaniyang bibig.

"Jonah?"

Walang ano ano'y biglang tumawid si Caitlin sa kabila ng kalsada. Napansin siya kagad ng apat na kabataan na nag-ngitian sa isa't isa. Nilapitan niya kaagad ang duguang biktima at kanyang nakumpirma na si Jonah nga ito. Wala siyang malay.

Tiningnan niya ang grupo ng mga kalalakihan. Natalo ng galit ang kanyang takot.

"Tama na! Iwan nyo na siya!"

Napatawa ang lalaki sa gitna na may taas na 6'4" at matipuno.

"At kung hindi?" tanong niya.

Bigla na lamang may tumulak sa kaniya na ikinatumba niya. Nalaglag ang kanyang journal at nagliparan ang mga pahina nito sa kalye.

Nagtawanan silang lahat. Nakuha niyang tumayo at dali-daling tumakbo papunta sa may eskinita. Hinabol siya ng mga ito.

Sa mga dati niyang eskwelahan ay kasali siya sa mga atleta ng track. Siya ang tinuturing na pinakamabilis. At sa pagkakataong ito ay naalala niya ang mga panahong iyon.

Hindi siya maabutan ng mga lalaki.

Lumingon si Caitlin at nakita niyang malayo ang pagitan nila sa kanya. Kailangan lamang na pumili siya ng tamang kalye na lilikuan para tuluyan siyang makawala.

Ang eskinita ay nagtatapos sa korteng T. Kailangan niyang kumaliwa o kumanan. Ngunit hindi niya kita kung ano ang meron sa alinmang kalye na kanyang piliing likuan. Nagdesisyon siyang kumaliwa. Pinagdadasal niya na sana'y tama ang kaniyang napili. Sa kasawiang palad ay wala na pala siyang mapupuntahan dahil hanggang doon na lamang ang kalye.

Pinagmasdan niya ang pader, naghahanap ng pwedeng labasan. Ngunit wala. Ang tanging nagawa niya ay humarap sa mga padating na kalalakihan.

"Ngayon ay magsisisi ka. Pahihirapan ka namin" sabi ng isa.

Huminga ng malalim si Caitlin. Inisip niyang gisingin sa isip si Jonah na dumating doon na may lakas at handa siyang sagipin. Ngunit walang dumating kundi ang mga papalapit na magsasalakay.

Naisip niya ang matinding galit niya sa kanyang ina na pinilit siyang pumalipat-lipat ng lugar. Naisip din niya kung anong mangyayari sa kapatid niyang si Sam pagkatapos ng araw na ito.

Naisip niya ang kaniyang buong buhay. Kung paano siya tinarato ng mga tao. Walang isang taong nakaintindi sa kanya.

Napagtanto niya na hindi na niya kayang tanggapin ang mga ito. Tama na. Hindi ito nararapat sa kanya. Hindi!

At bigla na lamang niya itong naramdaman.

Para itong alon na hindi pa nangyari sa kanya dati. Isa itong biglang agos ng matinding galit na nagsimulang manalaytay sa kanyang dugo. Ramdam na ramdam niya ang kongkreto sa kaniyang mga paa at ang matinding lakas na animo'y dumaloy sa kaniya mula sa pulso papunta sa kanyang mga braso at balikat.

Bumukas ang kanyang bibig at isang malakas na dagundong ang lumabas.

At sinalakay siya ng unang lalaki. Habang hinawakan siya nito sa may pulso ay agad na kumilos ang kanyang kamay, hinablot ang lalaki sa may pulso sabay bali ng braso patalikod.

Nagulat ang lalaki. Napaluhod ito at napahiyaw sa sakit nang mabali ang kanyang braso.

Napatigil ang tatlo sa mga lalaki at namangha.

Sunod na umatake sa kanya ay ang pinakamalaki sa kanila.

Tumalon si Caitlin at sinipa siya sa dibdib. Tumilapon siya mga sampung talampakan sa ere at bumagsak sa mga basurahang gawa sa metal. Hindi na siya nakatayo pagkatapos noon.

Nagtinginan ang dalawa pang lalaki. Manghang mangha sila sa kanilang nasaksihan. Binalot din sila ngtakot. Nilapitan sila ni Caitlin na puno ng di maipaliwanag na lakas. Narinig ulit ang dagundong galing sa kanya. Dinampot niya ang dalawang lalaki gamit ang magkabilang kamay at itinaas sila sa ere. Idinuyan niya sila sabay pinag-umpog ng malakas. Nawalan sila pareho ng malay.

Nag-uumapaw ang galit ni Caitlin. Hindi gumagalaw ang apat na lalaki.

Hindi lumuwag ang kaniyang kalooban pagkatapos noon. Gusto niya pang makipaglaban. Gusto niya pa ng mas maraming kabataan na itatapon sa ere.

Hindi lamang iyon ang gusto niya. Biglang naglinaw ang kaniyang mga paningin at napatingin sa kanilang mga leeg. Sa ugat sa kanilang leeg. Gusto niyang kumagat. Kumain.

Hindi niya naiintindihan ang nararamdaman niya. Tumayo siya at umirit ng napakalakas. Tunog na hindi maririnig galing sa ordinaryong tao.

Wari itong isang irit ng hayop na may hinahanap at hindi kuntento.

IKALAWANG KABANATA

Nakatayo si Caitlin sa labas ng pinto ng kanyang apartment. Hindi niya alam kung paano siya nakauwi. Ang naalala lamang niyang huli ay nasa may eskenita siya.

Ngunit naalala niyang lahat ang nangyari doon. Binalot siya ng galit na noon lamang niya naramdaman.

Tiningnan niya ang kanyang mga braso. Inaasahan niyang may nagbago pagkatapos noon ngunit lahat ay kapareho pa rin ng dati. Normal.

Ang epekto nito sa kanya ay naiwan din. Guwang ang kanyang pakiramdam. Manhid. Hindi niya ito maintindihan. Mayroon siyang kinasasabikan pagkatapos niyang mapagmasdan ang mga leeg ng mga lalaking iyon. Ugat sa kanilang leeg. Nakaramdam siya ng gutom.

Ayaw talagang umuwi ni Caitlin. Ayaw niyang harapin ang kaniyang ina, ang bago nilang lugar. Pati mag-ayos ng gamit. Kung hindi lamang dahil kay Sam ay aalis ulit siya ngayon. Maglalakad lakad.

Binuksan niya ang pinto. Nakaamoy siya ng pagkain, mukhang galing sa microwave. Sam. Lagi siyang maagang umuwi para kumain. Wala pa ang kanilang ina.

Читать дальше
Тёмная тема
Сбросить

Интервал:

Закладка:

Сделать

Похожие книги на «Ikot»

Представляем Вашему вниманию похожие книги на «Ikot» списком для выбора. Мы отобрали схожую по названию и смыслу литературу в надежде предоставить читателям больше вариантов отыскать новые, интересные, ещё непрочитанные произведения.


Отзывы о книге «Ikot»

Обсуждение, отзывы о книге «Ikot» и просто собственные мнения читателей. Оставьте ваши комментарии, напишите, что Вы думаете о произведении, его смысле или главных героях. Укажите что конкретно понравилось, а что нет, и почему Вы так считаете.

x